Archive for June, 2009

isip tuta

Friday, June 5th, 2009

hindi ako mahilig magpost ng kung anu ano sa blog.halata naman di ba?2006 pa huli kong blog.meron akong mga naiisip na sabihin pero hindi ko alam kung pano sasabihin.ang simple ng rason di ba?kaya lang wala akong magawa.patay ang t.v at makulimlimlim ang kalangitan.may bagyo ata.kaya feeling writer ako ngayon.parang sinsisipag akong paganahin ang utak at daliri ko.simple lang naman ang kuwento ko eh.

nakatira ko ngayon sa las pinas.sa bahay ng tito ko na asawa ng tita ko na kapatid ng mama ko na ngayon ay namamahinga na.(RIP).nag-aaral kasi ako sa Tesda na malapit dito.syempre tipid sa pamasahe kaya nagpasya akong dumito muna.may alagang aso yung pinsan ko.c miaka.nakuha niya yun pangalan sa palabas na fushigi yugi na kung saan ang bidang babae ay c miaka.pina stud ng tito ko c miaka para dumami ang lahi.dalawang buwan siyang nagbuntis at naghirap samabigat na dala dala sa sinapupunan.nung 1st week ng May (nakalimutan ko na ang eksaktong date),isinilang niiya ang malulusog at cute na babies niya.c nakauro,nakago,nui at c bunso.masaya clang panoorin dahil gaya ng ibang kalalabas lang sa mundo sila ay mga paslit na walang ka muwang muwang sa paligid.mga inosente kumbaga.sa tuwing cla ay magugutom,lalapit ang kanilang ina at sila ay padededehin.cge..sipsip..sipsip…sipsip..hanggang sila ay mabusog..iiwan cla ng kanilang ina at sila’y matutulog.isang buwan ang lumipas.nasaksihan ko ang kanilang paglaki.ang dating dede at tulog  na routine ay nadagdagan ng kung anu anong aktibidades mula sa paggapang,pagtakbo,pakikipaglandian sa isa’t isa,pagtahol ng mahina at paghabol sa dede ng nanay pag sila’y nagugutom na at kasunod nun ay ang pag ihi at pag etchas sa kung saang parte ng bahay(medyo nakaka stress din pala magdakot ng bagay galing wetpaks ng mga bubwit na ito).ganun pala ang mga aso,kung saan nila nakasanayang umihi at maglabas ng jerbaks eh wala ng bawian yun.dun na mismo nila paulit ulit na gagawin ang kahindik hindik na pangyayari araw araw.at wala kang choice kundi ang mapabuntung hininga at tanggapin ang katotohanan na sila’y mga tuta lamang.gayunpaman,malaki naman ang kanilang dinudulot na kasiyahan.malalambing sila at walang pagaalinlangang ibibigay sa iyo ang kanilang bukal na pagmamahal at tiwala na hindi mo sila sasaktan.tiwala na kapag sila ay nasa iyong mga kamay ay mararamdaman nila ang iyong mainit na pagmamahal.ang shweeet..

sa ngayon ay pinapanood ko ang kanilang mahimbing na pagtulog.payapang payapa.parang gusto ko silang tabihan.baka sakaling mahawaan nila ako ng kapayapaan ng kalooban…

ang lesson: mahirap mag alaga ng tuta,lalo na kung shitsu..kaya mahal sila pag binili mo sa cartimar..